Overnight vaccination sa Recto, Maynila umarangkada na

Overnight vaccination sa Recto, Maynila umarangkada na

Sinimulan na kagabi (Linggo) ang bakunahan sa Recto, Maynila para sa mga sumusunod na manggagawa (A4): kargador, driver, pahinante, pedicab driver, kuliglig driver, vendor ng isda, gulay, karne, at iba pa. Magdamang umano na ginanap ang bakunahan na hindi lamang sa Kamaynilaan kundi pati na rin sa Northern Luzon, Central Luzon at Southern Luzon.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, sadyang ginanap ang tinaguriang special Bakunahan sa Recto ng gabi “para sa mga trabahador na hindi makapunta sa vaccination site sa araw dahil kailangan nilang maghanap buhay.”
(Kiara Lauren Ibanez/BENJAMIN CUARESMA/AI/MTVN)

Leave a Reply