Kabataan sumigla sa pagkakaapruba ng IATF na pwede na sila muling makapaglaro sa labas

Kabataan sumigla sa pagkakaapruba ng IATF na pwede na sila muling makapaglaro sa labas

Muling sumigla ang mga bata gaya ng mga batang ito na residente ng Baseco Compound sa Tondo, Maynila na masayang nakikipaglaro sa mga kapwa nilang bata. Kahapon (09 July 2021) ay inaprubahan na ng Inter-Agency Task (IATF) on Emerging Infectious Diseases na lumabas ng bahay ang mga bata na 5 taong gulang pataas sa mga lugar na nasa Modified General Community Quarantine (MGCQ) at General Community Quarantine (GCQ). Ngunit, bawal pa rin sila sa loob ng mga mall.Hindi kasama sa bagong patakaran ang mga batang nasa GCQ “with heightened restrictions” tulad ng Laguna at Cavite. (Kiara Lauren Ibanez/BENJAMIN CUARESMA/AI/MTVN)

Leave a Reply