Manila vaccine express bumuwelta para sa pangalawang dose vs Covid

Manila vaccine express bumuwelta para sa pangalawang dose vs Covid

Bumuwelta and mga nabakunahan sa Manila Vaccine Express para sa kanilang pangalawa at huling dose kontra COVID-19.

Kabilang rito ang mga drivers ng tricycle, pedicab, at delivery riders na ating nabigyan ng first dose ng bakuna sa naunang rollout ng Vaccine Express noong Hunyo.

Ang rollout na ito ay para na rin sa mga Manileño na naka-miss ng kanilang schedule para sa second dose ng bakuna.
Naging posible ang inisyatibong ito sa tulong ng LGU Manila, sa pangunguna ni Mayor Isko Moreno, Cultural Center of the Philippines (CCP), pati na rin ng UBE Express, Integrated Waste Mgt, Inc., Aboitiz Equity Ventures Inc., Ramesh Trading Corporation, Equilibrium and Curve Collaborators, JCI Manila, Pioneer Adhesives, Inc., Fruitas, Smart Communications at mga AngatBuhay partners.

“Siyempre, kasama rin diyan ang masisipag na volunteer screeners at vaccinators. Maraming salamat po sa inyong lahat!” wika ng alkalde. (Kiara Lauren Ibanez/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply