Bagitong village exec tinatadtad ng bala sa Abra, patay

Bagitong village exec tinatadtad ng bala sa Abra, patay

Ni Arwen Pascua

MANILA — Hindi nakuhang umiskapo ng isang barangay chairman kay Kamatayan kahit pa tumakbo ito habang pinagbabaril ng nag-iisang salarin sa bayan ng Bangued, Abra noong umaga ng Hulyo 19.

Kinilala ni Abra Police Public Information Office chief, Cpt. Edwin Sergio, ang biktima na si Robert Villastiqui, 47-anyos at kapitan ng Brgy. Lubong.

Ayon kay Sergio kabibili lang ng sigarilyo sa isang tindahan si Villastiqui at nang pauwi na sakay sa kaniyang motorsiklo ay pinagbabaril ito ng isang lalaki.

Nangyari ang pamamaril sa mismo niyang barangay.

Nakatakbo pa umano ang biktima pero sinundan pa rin siya ng gunman at pinagbabaril.

Nagtamo ng 10 tama ng baril sa katawan ang biktima na agad niyang ikinamatay.

May ‘person of interest’ na umano ang pulisya sa pagpatay sa biktima.

Personal ang pangunahing motibo na kinokonsidera sa krimen ngunit hindi idinetalye ng pulisya.

Sa record, unang termino pa lang ni Sergio bilang barangay chairman. (ai/mtvn)

Leave a Reply