Harap ng Rizal Memorial Stadium nagmistulang ‘Waterworld’

Harap ng Rizal Memorial Stadium nagmistulang ‘Waterworld’

Wala nang nagawa kundi lumusong na lamang sa hangang binting taas ng tubig-baha ang ilang katao upang makadaan sa harap ng Rizal Memorial Stadium sa Adriatico Malate, Manila na nagmistulang ‘Waterworld’ sa tindi ng pag-ulan nitong Miyerkules, 21 July 2021, sa Luzon at iba pang parte ng ‘Pinas.

Dahil sa taas ng tubig ay hindi nakayanang makadaan sa nasabing lugar ang mga maliliit na uri ng sasakyan.

Sa kabila ng malawakang pag sasaayos ng mga drainage system ng bansa ay tila patuloy pa rin ang pagbabaha sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.
(Mores Heramis/BENJAMIN CUARESMA/AI/MTVN)

Leave a Reply