Single-dose J&J anti-Covid vaccines itinurok sa ilang seniors ng Paco

Single-dose J&J anti-Covid vaccines itinurok sa ilang seniors ng Paco

Malakas man ang pag-ulan at tumaas ang tubig-baha ngayong araw Miyerkules, hindi nagpapigil ang ilang senior citizens at tumungo pa rin sila Justo Lukban Elementary School sa Paco, Maynila upang magpabakuna.

Ang one-dose Janssen vaccines ng Johnson&Johnson ang itinurok sa mga nagpunta ngunit ayon sa Manila Health Department kakaunting seniors lamang ang nakarating sa naturang vaccination site kung saan nakalaan sana ang 1500 doses.

Kahapon ay 300 pa lang ang kanilang nagamit para sa mga naglakas-loob pumunta kahit na masama ang panahon.

(Mores Heramis/BENJAMIN CUARESMA/AI/MTVN)

Leave a Reply