‘Bikoy’ pinapaaresto ng Manila Metropolitan Trial Court Branch 17

‘Bikoy’ pinapaaresto ng Manila Metropolitan Trial Court Branch 17

MANILA — Si Peter Joemel Advincula o nakilala bilang Alyas Bikoy ay ipinag-utos na arestuhin dahil sa hindi nito pagdalo o pang-atendi sa arraignment o pagbasa ng sakdal ng korte kaugnay sa kasong perjury laban sa kanya.

Ito’y batay sa kautusan ni Judge Karla Funtillan-Abugan na suyang naglabas ng arrest warrant at dinoble pa ng korte ang piyansang dapat ilagak ni Advincula para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Bukod sa arraignment ni Bikoy, itinakda rin nitong Miyerkules ang preliminary conference sa perjury case na inihain ng mga abogadong sina Atty. Chel Diokno, Ted Te at Erin Tanada.

Pawang mula sa Free Legal Assistance Group o FLAG ang naturang mga abogado.

Si Bikoy ay nasasangkot sa “Project Sodoma” o ouster plot kay Pang. Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng online videos na pinamagatang “Ang Totoong Narcolist.”

Dumalo sa arraignment sina Diokno, Te at Tanada, habang si Bikoy ay kinatawan ni Atty. Domingo Miguel Carillo na nagpakilalang mula sa law firm ni Atty. Larry Gadon.

Muling itinakda ang arraignment kay Bikoy ng korte sa August 26, 2021, 8:30 ng umaga pati na ang pagbasa ng sakdal. (ai/mtvn)

Si Alyas Bikoy Peter Advincula (rmn.com courtesy)

Leave a Reply