Dolomite beach natambakan ng basura, pinangangambahang anurin ang hiram na kagandahan

Dolomite beach natambakan ng basura, pinangangambahang anurin ang hiram na kagandahan

MANILA — Nanilikadong matabunan ang dolomite beach ng DENR ng mga inanod na basura dala ng sama ng panahon at pagtaas ng tubig dagat sa Manila Bay ngayong araw, Huwebes, 22 July 2021.

Ang sama ng panahon ay dulot ng habagat bagyong Fabian na patuloy na nagbuhos ng ulan Metro Manila pati na sa mga karatig probinsya.

Sa kabutihang palad ay agad na nililinis ng mga tauhan ng Manila Department of Public Service (DPS), at ng MMDA ang mga nagkalat na sari-saring basura na umukopa sa may bahagi ng artificial beach malapit sa US embassy.

Gayunpaman, mayroon pa rin parte ang nananatiling natatabunan ng basura dahil sa lakas ng alon dulot ng dalawang araw na pag-uulan.

Dahil dito, pinangangambahan na tuluyang anurin ang hiram na ganda ng dolomite beach patungo sa dagat at mawasak ang artificial beach.

Sa kasalukuyan, unti-unting natatanggal ang mga nagkalat na basura dahil umaalalay na rin ang ilang tauhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

(Mores Heramis/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply