Walang walk-in clients ngayong Sabado sa Luneta drive-thru vax site

Walang walk-in clients ngayong Sabado sa Luneta drive-thru vax site

WALANG WALK-IN: Hindi muna tatanggap ng “walk-in clients” sa drive-thru vaccination site and Manila sa Luneta bukas, Sabado, ika-31 ng Hulyo.

Ang mga babakunahan lamang ay ang mga taong nakapagpareserba sa website na manilacovid19vaccine.ph. Limitado po ang slots dito.

Pinapayuhan ng Lungsod ng Maynila sa mga nagnanais magpabakkuna na magpareserba ng kanilang slot sa website.

“Kung wala po kayong nakikitang araw o slot sa website, ang ibig sabihin lamang po nito ay wala pang slot. Maghintay lamang po sa susunod na anunsyo,” wika ng isang city health official.

(Kiara Lauren Ibanez/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply