Sec. Bello personal na namahagi ng TUPAD ayuda sa Mt. Province

Sec. Bello personal na namahagi ng TUPAD ayuda sa Mt. Province

Si Sec. Bello habang kinakapanayam ng local media ng Mt. Province (Mores Heramis/B. Cuaresma/ai/mtvn)

Mismong si Labor Sec. Silvestre “BEBOT” Bello III ang personal na namigay ng ayuda para sa mga taga-Mt.Province sa pamamagitan ng Tulong sa Panghanapbuhay para sa ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ng DOLE.

Ang naturang programa ng DOLE ay may P100 milyong pondo at ang tulong pinansyal na ito ay ipinamamahagi ng DOLE sa TUPAD beneficiaries sa iba’t ibang LGU ng bansa sa gitna ng pandemya.

Ang TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers ay isang community-based package na tulong pinansyal ng ahensya na kalakip ang pansamantalang trabaho sa mga nawalan ng hanapbuhay, underemployed at seasonal workers sa loob ng 10 araw o higit pa ngunit hindi lalagpas ng 30 diyas, depende sa klase ng trabahong ipinagkaloob ng isang LGU.

(Cresmon Heramis/BENJAMIN CUARESMA/AI/MTVN)

Leave a Reply