
Dapat alam ng mga Transport Marshalls kung sinu-sino ang mga APORs (Authorized Persons Outside of Residence) dahil maraming klase ang APORs.
Sa dalawang linggong ECQ sa Metro Manila ay tuloy ang serbisyo ng public transport para masilbihan ang mga pasahero. Pero sa anunsiyo ng DoTr ay tanging mga APOR lang daw ang maaaring sumakay at kapag susundin ang ipinatutupad na health protocols. Ang payo ng DoTr ihanda ang ID o anumang dokumento na dapat ipakita sa mga transport marshalls. Pero sana ay alam din naman ng mga transport marshalls kung sinu-sino ang mga APORS. Limang klasipikasyon ang inilabas ng IATF. Pero pumili po tayo ng ilan na sa tingin ko ay dapat kailangan pang malinaw sa mga magpapatupad. Halimbawa :
· Veterinary
· Food preparation and water refilling personnel
· Health and Dental clinics employees.
Mga other APORS tulad ng:
· Those traveling for medical and humanitarian reasons and individuals preferably 21 to 59 years old availing essential goods and services
· Lawyers who will provide legal representations
· Immediate family members of the deceased who died of causes other than COVID 19.
Ilan lamang halimbawa ang mga ito na APOR. Ang tanong, alam ba ng lahat ng enforcers ang list ng APORS?
Kapag alam mo na ang APORS ay ano naman ang polisiya sa public transport?
· Sa tricycle isang pasahero lang – walang backrider.
· Sa city bus at jeeps – fifty percent seating capacity lang at one seat apart, bawal standing.
· TNVS at taxi – kailangan sundin ang health protocols tulad ng one seat apart at bawal ang sharing ng ride kung hindi magkakilala. Two passengers lang at, one passenger sa driver’s row.
· UV express – 2 passengers per row. Not exceeding 50 per cent capacity. One passenger lang sa drivers row.
· Shuttle services – one seat apart and in accordance with DTI- DOLE JMC no. 2020- 04-A guidelines.
· Motorcycle-taxis as per the pilot study and NTF guidelines.
· Provincial buses – fifty per cent capacity at subject to LGU guidelines.
Kaya sa mga pasahero, alamin kung anong kategoryya kayo na APOR para sa ganun ay nasasabi ito ng maayos sa mga transport marshalls at enforcers na maninita sa daan. (ai/mtvn)