TUPAD na ipinamahagi ng DOLE sa Candaba umabot sa P10-M

TUPAD na ipinamahagi ng DOLE sa Candaba umabot sa P10-M

Masayang sinalubong ng mga tatangap ng TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers) si DOLE Sec. Silvestre Bello III sa Barangay Mandasig, Candaba, Pampanga kung saan umabot sa P10 milyon ang kabuoang halaga na natanggap ng mga beneficiaries.
Maliban sa P6.9 milyong cash, tumanggap din ang iba ng P3 milyong “Nego-Cart” na pangnesgosyo, mga bisikleta at android phones.
Nabanggit naman ni Pampanga Gov. Dennis Pineda na buo ang kanilang magiging suporta sa kalihim ng DOLE kung sakaling tatakbo ito sa pagka-senador.
Ang TUPAD ay isang community-based package na tulong sa pamamagitan ng trabaho sa displaced workers, underemployed at seasonal workers sa gitna ng pandemya sa loob ng 10 hanggang 30 days depende sa klase ng trabaho na kanilang gaganapan.
Nasa larawan si DOLE Sec. Bello (pangalawa mula kaliwa) na namimigay ng TUPAD cash assistance kasama si Gov. Pineda (pangatlo mula kaliwa).

(Val Leonardo/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply