20K+ new Covid cases naitala ng DOH

20K+ new Covid cases naitala ng DOH

MANILA — Ngayong alas-4 ng hapon nitong Biyernes (Setyembre 3, 2021) ay naita ng Department of Health ang panibagong 20,310 kaso ng Covid-19 at 7,710 na mga gumaling at 193 na pumanaw.

Ang bagong mga kaso ay nagtulak sa kabuoang bilang ng kaso sa bansa sa 2,040,568 mula pa noong magkaroon ng outbreak sa virus noong Marso 2020.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 7.8% (158,994) ang aktibong kaso, 90.5% (1,847,701) na ang gumaling, at 1.66% (33,873) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong September 1, 2021 habang mayroong anim (6) na laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng anim (6) na labs na ito ay humigit kumulang 3.8% sa lahat ng samples na nai-test at 2.9% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Sa mga susunod na araw ay maaari pang tumaas ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa ayon pa sa DOH.

Ang pagsunod sa minimum public health standards, maiging pagsasagawa ng PDITR strategies, at pagbabakuna ay nanatiling pinakapabisang depensa sa COVID-19.

Mahalaga rin na agad na mag-isolate at makipag-ugnayan sa BHERTs (Barangay Health Emergency Response Teams) kung may sintomas ng COVID-19.

Ang maagang konsultasyon at pagpapa-test ay makatutulong upang maputol ang hawaan sa mga bahay, komunidad, at sa mga lugar na pinagtatrabahuhan.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: http://www.doh.gov.ph/covid19tracker.

(ai/mtvn)

Leave a Reply