668 Navoteños nakatanggap na ng kanilang pangalawang SAP mula sa Bayanihan 1

668 Navoteños nakatanggap na ng kanilang pangalawang SAP mula sa Bayanihan 1

Sa pakikipagtulungan ng pamahalaang lungsod ng Navotas ay sa wakas nakapagbigay na ng P8,000 emergency cash assistance ang Department of Social Welfare and Development (DSWD)-National Capital Region sa mga residenteng nagrereklamong hindi pa nila nakukuha ang kanilang 2nd tranche ng Social Amelioration Program (SAP) cash assistance.
Dahil dito, nangako ang pamahalaang lungsod na hindi titigil ito sa pagsisikap na maibigay sa mga benepisyaryo ang ayudang nararapat na kanila sa gitna ng pandemya.
(Aj Rabulan/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply