Grupong ‘LABAN TNVS’ nagsagawa ng ‘patikim’ na protesta sa QC

Grupong ‘LABAN TNVS’ nagsagawa ng ‘patikim’ na protesta sa QC

Nagsagawa ang mga taga-suporta at mga drayber mula sa LABAN TNVS ng maliit na protesta sa Mangga Street sa Barangay Katipunan Quezon City Setyembre 5, 2021 bilang “patikim” sa kanilang isasagawang transport caravan bukas Lunes, 06 Sept. 2021.

Ang nasabing caravan ay pag-kontra o pagpapakita ng kanilang pagtutol sa pagtaas ng multa sa ilalim ng nalalapit nang aprubahang “No Contact Apprehension Policy.”
Ito’y nasa ikatlong pagbasa o bahagi upang maipasa sa konseho ng lungsod.

Leave a Reply