PNP nagsimula nang maghigpit sa loose firearms

PNP nagsimula nang maghigpit sa loose firearms

Dahil nalalapit na ang filing ng kandidatura ng mga politiko ay nagsimula na ring maghigpit ang kapulisan sa loose firearms at nasampolan na nga ang isang nagngangalang Christopher Narin Gemina (42) na makikitang bitbit sa larawan ni PSMS Roberto L Santillan matapos na mahulihan ng hindi lisensyadong baril sa Valenzuela City.
At swak na nga sa police headquarters ang suspek na sinumplong ng isang concerned citizen at naging susi sa pagkakahuli ng suspek sa tirahan nito sa Displina Village, Lingunan, Valenzuela City.
Kasong paglabag ng RA 10591 (Illegal Possession of Firearm and Ammunition) ang isinampa laban sa suspek.
Aj Rabulan/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply