12K+ new Covid cases naitala ng DOH ngayong Miyerkules

12K+ new Covid cases naitala ng DOH ngayong Miyerkules

Ni Amado Inigo

MANILA — Naitala ngayong alas-5:27 PM, araw ng Miyerkules, Setyembre 8, 2021, ang karagdagang kaso na 12,751 ng coronavirus, 20,151 na mga recoveries, at 174 na naigupo ng virus.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 7.1% (151,135) ang aktibong kaso, 91.3% (1,948,198) na ang gumaling, at 1.62% (34,672) ang pumanaw.

A kabuuan, mayroon nang 2,134,005 mga kaso ng Covid-19 simula pa noong nagkaroon ng outbreak ng March 2020.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong September 6, 2021 habang mayroong 5 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 5 labs na ito ay humigit kumulang 2.2% sa lahat ng samples na naitest at 2.7% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Inaasahan na sa mga susunod na araw ay maaari pang tumaas ang mga kaso ng COVID-19 ayo pa sa DOH.

Ang pagsunod sa minimum public health standards, maiging pagsasagawa ng PDITR strategies, at pagbabakuna ay nanatiling pinakapabisang depensa sa COVID-19.

Mahalaga rin na mag-isolate at makipag-ugnayan sa BHERTs (Barangay Health Emergency Response Teams) kung tayo ay may sintomas ng COVID-19.

Ang maagang konsultasyon at pagpapatest ay makatutulong upang maputol ang hawaan sa mga bahay, komunidad, at sa mga lugar na pinagtatrabahuhan dagdag pa ng DOH.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin lamang umano ang website ng DOH. (ai/mtvn)

Leave a Reply