4 na poste ng Meralco bumagsak sa Tondo

4 na poste ng Meralco bumagsak sa Tondo

Apat na poste ng kuryente ang natumba sa kahabaan ng Pampanga St., Gagalangin, Tondo malapit sa Jose P. Laurel High School na pinapaniwalaang sanhi ng magkasamang bagyong Kiko at Jolina nitong Miyerkules (08 Sept. 2021).

Ngunit ayon sa mga nakasaksi, biglaan na lang diumano natumba ang mga naturang poste sa hindi malaman na kadahilanan.

Gayunpaman, inaasikano na habang sinusulat ito kahapon ng mga kawani ng Manila upang mailayo ang mga mamamayan sa mga maari pang mangyaring pinsala.

Pinapayuhan ang mga motorista na umiwas na muna sa naturang lugar at humanap muna nang ibang madadaanan.
(Kiara Lauren Ibanez/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply