Granular lockdown sa 12 lugar sa San Juan City pinatutupad

Granular lockdown sa 12 lugar sa San Juan City pinatutupad

MANILA — Dahil sa dami ng kaso nila sa Covid-19, 12 lugar sa San Juan City ang isinailalim sa granular lockdown, pag-amin ni Mayor Francis Zamora.
Tiniyak naman ng alkalde na suportado ng pamahalaan ang pangangailangan ng mga naka-lockdown gata ng pagkain at minomonitor ang kanilang kalagayan.

“We have 12 na naka-granular lockdown at sila ay sinusuplayan ng food packs, sila ay tini-test at mino-monitor nang mabuti,” ayon kay Zamora.

Paalala pa ng alkalde sa mga naka-lockdown na bawal lumabas at sila ay bantay-sarado upang makaiwas sa paglabag sa health protocols.

“Bawal ho talaga lumabas dahil sila ay naka-granular lockdown, ibig sabihin they are potential virus carriers already. Kailangan tapusin ang 14 days,” giit pa ni Zamora. (ai/mtvn)

Leave a Reply