17K+ karagdagang kaso ng Covid naitala

17K+ karagdagang kaso ng Covid naitala

Ni Amado Inigo

MANILA — Ngayong alas-4 ng hapon araw ng Biyernes (Setyembre 10, 2021) ay naitala ng Department of Health 17,964 na karagdagang kaso ng COVID-19, 9,067 na mga gumaling at 168 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 8.0% (175,470) ang aktibong kaso, 90.3% (1,969,401) na ang gumaling, at 1.60% (34,899) ang namatay.

Nasa 2,179,770 na ang accumulated cases sa bansa mula nang magkaroon ng outbreak sa Covid noong Marso 2020.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong September 8, 2021 habang mayroong apat (4) na laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng apat (4) labs na ito ay humigit kumulang na 2.1% sa lahat ng samples na nai-test at 2.4% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 7.7% (166,672) ang aktibong kaso, 90.7% (1,960,487) na ang gumaling, at 1.61% (34,733) ang namatay.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin lamang ang website ng DOH.

Leave a Reply