229 kilos na shabu na may P1.5-B halaga narekober ng PDEA, PDEG sa magkahiwalay na drug ops sa Cavite

229 kilos na shabu na may P1.5-B halaga narekober ng PDEA, PDEG sa magkahiwalay na drug ops sa Cavite

MANILA — Dalawa ang patay at naaresto sa magkahiwalay na drug operation sa lugar ng Imus at Bacoor, sa Cavite na inilunsad ng magkasanib puwersa na mga operatiba ng intelligence investigation service Philippine Drug Enforcement Agency, at ng Philippine National Police Drug Enforcement Group.

Batay sa report kay PDEA Director-General Wilkins Villanueva ni Regional Director Juvenal Azurin, aabot sa mahigit P1.5 billion ng shabu ang narekober sa lugar ng Imus at Bacoor Cavite at dalawang katao, mag-asawa, ang naaresto at dalawa naman ang nasawi matapos manlaban sa mga otoridad sa nasabing lugar ng operasyon.

Kinilala ni Director-General Villanueva ang mag-asawang naaresto na sina Aldwin at Lina Micoleta na naaresto sa mismong bahay nila sa isang exclusive subdivision ng Imus cavite at kung saan nasamsam ang may 48-kilo ng shabu.

Habang sa Bacoor, narekober naman ang 181 kilos ng shabu at patay sina Basher Bangon, 59, at Danilo Untavar, 51 anyos.

Inaalam pa ng PDEA kung may kaugnayan ba ang mag-asawa,at dalawang napatay sa mga narekober na sandamakmak na droga kamakalawa sa Candelaria, Zambales.

Sa kabuuan ang mga narekober ng PDEA, at PNPDEG ay aabot sa 229 kilos at nasa mahigit P1.5 bilyon ang haga.

(Val Leonardo/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply