Aksyon at gawa agad ang Manila DEPW sa sirang daan ng Lagusnilad

Aksyon at gawa agad ang Manila DEPW sa sirang daan ng Lagusnilad

Nagtulong-tulong ang mga kawani ng Manila Department of Engineering and Public Works (MDEPW) upang bakbakin at tanggalin ang mga basag na aspalto upang lapatan ng bago at mas makapal na asphalt overlay.
Ito’y sa may Lagusnilad underpass na madalas na nalulusaw sa tuwing may bagyo dahil sa madalas na ito’y nagbabaha.
Subalit sa kasalukuyang pamunuan ay agad itong kinukumpuni upang mailayo ang mga motorista sa anumang uri ng disgrasya sa naturang lugar.
Kasabay nito ay nagsagawa din ang Highway Division V ng flushing and cleaning operation para mapanatili ang kalinisan sa naturang lugar.
(KIARA LAUREN IBANEZ/Benjie Cuaresma/ai/mtvn)

Leave a Reply