Sako-sakong basura, buhangin nakolekta sa imburnal sanhi ng pagbaha

Sako-sakong basura, buhangin nakolekta sa imburnal sanhi ng pagbaha

Sako-sakong basura at buhangin ang nakolekta ng mga tauhan ng City Engineering Office sa mga kanal kaya ilan sa mga kalsada ang nagbabaha sa tuwing naguulan.

Dahi dito, nagpaalala ang pamahalaang lungsod ng Navotas sa mga residente na hindi tumutubo sa kanal ang basura. Ito ay napunta doon dahil sa iresponsableng pagtapon. Balewala ang paglagay ng culvert at bombastik pumping station kung mababarahan lang ang mga kanal.

“Kaya itapon po ang basura sa tamang tapunan. Hintayin po ang garbage truck bago ilabas ang basura. Ang disiplina at pagiging responsable po natin ang pangunahing solusyon sa problema sa baha,” wika ng isang tauhan ng engineering office na ayaw pabanggit ng pangalan.
(Aj Rabulan/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply