Mga guro nagprotesta sa Mendiola sa unang araw ng balik-eskuwela

Mga guro nagprotesta sa Mendiola sa unang araw ng balik-eskuwela

Suportado ng ilang militanteng estudyante, sinalubong ng malaki-laking protesta ang unang araw ng balik-eskuwela ng mismong mga guro sa paanan ng Mendiola sa Maynila, mga ilang metro lamang ang layo sa Malacanang.

Inilunsad umano nila ang kilos protesta upang manawagan sa Administrayong Duterte ang isang ligtas na balik-eskwela nitong school year 2021-2022.

Maliban pa rito, inangalan na nila ang sarili nilang gastos sa lahat gaya ng pang-internet, load, module, kuryente at iba pa.

Humihiling din sila ng tulong-pinansyal na nagkakahalaga ng P10,000 bilang Ayuda sa pangalawang sigwada ng blended learning sa gitna ng pandemya.
(Jhun Mabanag/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply