Mga guro nanawagan sa administrasyong Duterte irilis ang kanilang naiiipit na mga benepisyo sa gitna ng pandemya

Mga guro nanawagan sa administrasyong Duterte irilis ang kanilang naiiipit na mga benepisyo sa gitna ng pandemya

Matapos maibsan ang problema ng healthcare workers sa kanilang mga benepisyo, mukhang may kinakaharap na naman ang administrasyong Duterte na panibagong sigalot partikular na sa sektor ng edukasyon.

SONY DSC

Malugod na sinalubong ng mga myembro ng Alliance of Concerned Teacher (ACT) ang pagbubukas ng school year 2021-2022 sa pamamagitan ng pagsasagawa ng isang “umagang kay ganda” na “sunrise protest” sa paanan ng Mendiola Bridge sa Maynila.

SONY DSC

Kinalampag nila ang gobyernong Duterte na agad nang ipagkaloob ang lahat ng kanilang mga benepisyo at matiyak ang kanilang kaligtasan sa pandemya at mga karapatan at kapakanan ng guro.

Ipinagsigawan din ng mga guro ang kahilingang nilang bigyan sila ng P10,000 financial assistance sa ikalawang sigwada ng blended learning.

SONY DSC

(Jhun Mabanag/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply