Sermonia pamumunuan ang PNP-Directorate for Operations, 4 pa binalasa ni Eleazar

Sermonia pamumunuan ang PNP-Directorate for Operations, 4 pa binalasa ni Eleazar

Ni Arwen Pascua

MANILA — Itinalaga ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar bilang bagong Director ng Directorate for Operations (DO) si Directorate for Police Community Relations (DPCR) Director PMGen. Rhodel Sermonia na miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Makatao Class of 1989.

Police Community Relations (DPCR) Director PMGen. Rhodel Sermonia

Habang apat na senior officers din ang gumalaw na epektibo bukas, Setyembre 15, araw ng pagreretiro ni Directorate for Operations Director PMGen. Alfred Corpus.

Ayon kay Eleazar, narating na ni Corpus ang mandatory age of retirement na 56 dahilan ng muling re-shuffle sa PNP.

Si Directorate for Human Resources Development (DHRD) Director PMGen Bartolome Bustamante naman ang papalit kay Sermonia bilang Director ng DPCR.

Si Headquarters Support Service (HSS) Director PBgen. Arturo Bisnar naman ang kapalit ni Bustamante sa DHRD.

Magiging bagong HSS Director naman si PBGen. Harold Tuzon na mula sa Office of the Chief, Directorial Staff (TCDS); at papalit naman sa babakantehing puwesto ni Tuzon si PCol. Joaquin Alva mula sa Office of the Chief PNP. (ai/mtvn)

Leave a Reply