Nurse nagpuslit ng droga sa mental hospital kalaboso

Nurse nagpuslit ng droga sa mental hospital kalaboso

Ni Arwen Pascua

MANILA — Naghihimas na ngayon ng malamig na bakal dahil diretso sa selda ng Mariveles Police Station ang isang 48-anyos na nurse makaraang maaresto bunsod ng tangkang pagpuslit ng shabu sa pinapasukang Mental Wellness and General Hospital sa Barangay Ipag sakop ng nasabing bayan sa Bataan.
Kinilala ito na si alyas Louie, 48- anyos, ng Barangay Poblacion sa naturang lugar.

Ayon sa pulisya, papasok sa duty, dala ng suspek ang isang bag na idinahilang para umano sa isang pasyente kung saan protocol sa hospital na inspeksiyunin ng mga guwardiya ang dala kada pagpasok at paglabas ng kawani man o bantay ng pasyente.

Subalit nadiskubre ng guwardia ang sachet ng hinihinalang shabu na tangka umano sana nitong ipuslit sa loob ng pagamutan.

Agad namang ipinagbigay-alam ng duty guard sa awtoridad ang natuklasan sa bag ni Louie kaya dinakip ito.

(ai/mtvn)

Leave a Reply