‘Super spreader’ Comelec registration pinangambahan

‘Super spreader’ Comelec registration pinangambahan

Pinangambahang maging Covid-19 super-spreader event and dinagsang voters registration sa Comelec Arroceros sa Maynila ilang araw bago ang itinakdang pagtatapos ng pagpapatala o pagpaparehistro upang makaboto.

Ito ay sa kabila ng presensya ng mga pulis upang sila sawayin at pagsabihan na ‘wag magdikit-dikit ay hindi maiwasan dahil sa dami ng nagtungo sa tanggapan ng Comelec sa Arroceros dahil na rin sa nalalapit na deadline ng Comelec registration sa September 30, Huwebes.

Habang nangyayari ito, nag-file naman si Sen. Kiko Pangilinan ng Senate Resolution na humihingi ng one month extension para sa registration dahil aniya wala pa ang pandemya noong gawin ng Comelec na Sept. 30, 2021 and deadline.

Ipinaliwanag pa ng mambabatas na ilang beses nang nabalam ang naturang registration dahil sa ilang ulit na ring dumaan sa enhanced community quarantine o lockdowns ang Metro Manila at iba pang lugar ng bansa kung kaya’t nararapat lamang na pagbigyan ng kahit na isang buwang extension ito.

(Kiara Lauren Ibanez/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply