2 himalang nakaligtas sa pagbagsak ng Cessna 152 trainer plane sa Bulacan

2 himalang nakaligtas sa pagbagsak ng Cessna 152 trainer plane sa Bulacan

Himalang nakaligtas ang isang piloto ang ang kanyang kasamang flight student matapos na bumagsak ang kanilang sinasakyang Cessna 152 trainer plane kaninang umaga sa Plaridel, Bulacan. Kasalukuyan nang nilalapatan ang estudyante at ang piloto sa pinakamalapit na hospital mula sa binagsakan ng eroplano sa isang bakanteng lote ng Brgy, Agnaya, Plaridel, Bulacan. Wasak ang kanang bahagi ng pakpak ng Cessna na sumabit sa sanga ng malaking puno ng Acacia habang pababa ito. Maliban sa nawasak na pakpak ay halos buo pa ang eroplano na malamang na masuspinde muna sa Civil Aviation Authority of the Philippines ang may-ari nito.
(Thony D. Arcenal/B. Cuaresma/ai/mtvn)

Leave a Reply