20 kilos ng marijuana huli sa Navotas

20 kilos ng marijuana huli sa Navotas

Arestado ng mga operatiba ng Navotas Police Station Drug Enforcement Unit sina Ali James Erese alyas “Ali,” 20, ng 99 4E Hermosa St., Brgy. 200, Manila at Joseph Raven Cotejo, 22, ng Wawa 3 Salinas, Rosario, Cavite sa ikinasang buy-bust operation sa Sitio Sto. Nino Brgy. NBBS Proper, Navotas City.
Nakuha sa mga suspek ang tinatayang nasa 20 kilos ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na nasa P2.4 milyon ang halaga at buy-bust money.
(Aj Rabulan/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply