Dong Mangundadatu muling tatakbo sa Senado; Liguasan marsh development ipaglalaban

Dong Mangundadatu muling tatakbo sa Senado; Liguasan marsh development ipaglalaban

Upang maisulong ang kapakanan ng mga Bangsamoro at matiyak ang pag-angat ng ekonomiya ng buong bansa sa kabila ng pandemya ay inanunsiyo ngayon ni dating Maguindanao Rep. Dong Mangundadatu ang kanyang muling pagtakbo sa Senado.

Ayon kay Mangundadatu, kailangan ng Senado ang isang Muslim na siyang magtataguyod sa kapanan at sa interes ng lahat ng Pilipino na matagal nang nangangarap na magkaroon ng kapayapaan at kaunlaran hinding lang sa Mindanao kundi sa buong bansa.

Ang huling muslim Senator ay si dating Sen. Santanina Tillah Rasul at si Sen. Mamintal Tamano na parehong nagsilbi mula 1987 hanggang 1992.

Ayon kay Mangundadatu, napakahalaga na magkaroon ng Muslim representation sa Senado dahil nasa Kamindanawan ngayon ang susi para sa kaunlarang ng buong bansa.

“I am seeking a Senate seat anew to fight for the right of every Muslim Filipino to be represented in the creation of national policies. I am presenting myself to be the voice of all Filipinos in our struggle to find true and lasting peace and development not just in Mindanao but in the entire Philippines. I am presenting myself as the proverbial bridge that fosters love and understanding among our brother Muslims and Christians. With the creeping recession caused by the Covid pandemic, we need to harness the full potential of Mindanao as a major catalyst to jumpstart our economy,” ani Mangundadatu sa kanyang ipinalabas na official statement.

“The country needs a genuine Muslim leader who knows exactly what is needed to be done to create new sources of wealth that could benefit all Filipinos. The country needs a leader who knows how to navigate through Mindanao’s complex and unique geopolitical terrain so that we can tap into its resource -rich areas like the Liguasan marsh,” dagdag pa nito.

Ibinigay halimbawa ni Mangundadatu ang “resource-rich” na Liguasan Marsh bilang isa sa mga maaaring pagkunan ng mga panibagong yaman upang maiangat ang ekonomiya ng bansa. Anya, isang “game-changer” ang development ng Liguasan marsh dahil napakayaman nito sa gas, coal at mayroon din itong langis.

Hindi lang mga taga-Mindanao ang makikinabang nito kundi ang buong bansa kapag napapakinabangan na ang mga yaman na nagmula sa Liguasan marsh.

“Its development is a game-changer that could uplift the lives of all Filipinos as its gas deposit alone could be worth trillions of dollars. The area is also rich with coal which could bring down the cost of electricity and can be also exploited for oil,” pahayag ni Mangundadatu.

“As the voice of the Bangsamoro people in the Senate, I would definitely work for the immediate passage of a legislation that will not only push for the development of Liguasan marsh while ensuring its protection from environmental abuse,” paliwanag pa nito.

Leave a Reply