2 mekaniko sangkot sa bentahan ng timbog na droga ng PDEA

2 mekaniko sangkot sa bentahan ng timbog na droga ng PDEA

MANILA — Hindi na nakapalag ang dalawang mekaniko ng sakyan sa mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency ng Nueva Ecija, Region 3, at PDEA RSET nang sila ay masukol sa ikinasang drug buy-bust operation sa lungsod ng Pasig kagabi.

Ang buy-bust operation ay isinagawa sa harapan ng Octagon Village Gate, ng F. Mariano Ave. Barangay Dela Paz, Pasig City dakong alas-7 kagabi (Martes, September 28, 2021) ng mga operatiba ng PDEA Nueva Ecija, PDEA RSET, POD, Manggahan Police Sub Station 8 at Pasig SDEU.

Batay sa report ng mga operatiba kay PDEA Director Wilkins Vllanueva, kinilala ang dalawang suspek na sina John Errol Malabanan y Jose, 28, binata engine mechanic, ng Octagon Village, Brgy. Dela Paz, Pasig City, at Joseph Bautista y Ariñador, 44, binata, isa ring engine mechanic, ng 308 Breezy Sudivision, Brgy Dela Paz, Pasig City.

Ang kanilang kasama nagngangalang Dennis Lacson ay nakapuslit.

Nakumpiska sa drug operation bilang ibedensya at dalawang pirasong knot tied transparent plastic ice bag naglalaman ng crystalline substance na umanoy shabu na may 500 grams ang timbang at may DDB standard value na P3,400,000.00, isang unit ng Green Honda Civic na may plate number UHS 757 na umanoy ginamit sa transportasyon at buy-bust money.

(Val Leonardo/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply