Bukod pandaraya sa binebentang gadgets, online seller nabuking ng Manila BPLO na walang business permit

Bukod pandaraya sa binebentang gadgets, online seller nabuking ng Manila BPLO na walang business permit

Napag-alaman sa followup operation ng Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) ng Maynila na bukod sa bato ang nilalaman ng ilang karton ng binebentang gadgets ng online seller, ay wala rin diumano itong business permit to operate.
Ito’y ayon kay SMaRT chief Rosalindo Jhun Ibay matapos mag-imbestiga ang Manila Bureau of Permits and Licensing Office (BPLO) sa opisina ng nabanggit na online seller sa secon floor ng 1120 Otis Building sa Paco, Maynila.
Inaksyunan ito ng SMaRT matapos na makatanggap ng mga reklamo na bato bato diumano ang laman ng mga ipinapadala nitong parcel sa mga customer.
(JHUN MABANAG/BCuaresma/ai/mtvn)

Leave a Reply