Kaso ng 5 curfew violators sa Caloocan lumala dahil sa shabu, baril

Kaso ng 5 curfew violators sa Caloocan lumala dahil sa shabu, baril

Naging animo’y maamong tupa nang maaresto ng mga operatiba ng Bagong Barrio Caloocan Police Sub-Station ang mga suspek na sina Jomari Calilap, 28;
Gilbert Roldan, 32; Ariel Aujero, 44; Armando Villanueva, 42; at Jan
Dave Elchico, 29, matapos makuhanan ng nasa 5.81 gramo ng hinihinalng
shabu na may standard drug price na P39,508 at isang cal. 38 revolver na
may pitong bala.

Disgrasya lamang ang pagkakatimbong ng droga at baril dahil sisitahin lamang sana ang mga suspek na pagala-gala pa rin kahit curfew hours na sa Pangako St., Brgy. 151, Bagong Barrio, Caloocan City.

(Aj Rabulan/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply