Malaking puno sa may Lagusnilad bumigay na sa katandaan

Malaking puno sa may Lagusnilad bumigay na sa katandaan

Wala namang ulan, hangin at lalong walang bagyo ngunit nang walang anu-ano’y bigla na lamang bumigay at nabuwal ang isang malaking puno na malapit sa Lagusnilad ng Maynila na malapit sa National Museum building.
Dahil nakahambalang ito sa daan, agad na nagtulong-tulong na maalis ang mga sanga nito ang mga tauhan ng Manila Disster Risk Reduction Managrment Office katuwang ang Department of Engineering Public Works Manila sa isinagawang clearing ops ng puno na matatagpuan sa Taft Ave. cor. Finance Road.

(Kiara Lauren Ibanez/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply