Maynila handa na sa vaccination ng edad 12-17 kontra Covid — Yormi

Maynila handa na sa vaccination ng edad 12-17 kontra Covid — Yormi

Manila Mayor Isko Moreno

Nina Amado Inigo at Benjie Cuaresma

MANILA — Nakahanda na diumano ang lungsod ng Maynila na bakunahan ang kabataang may edad 12 magpahanggang 17 anyos ayon kay Mayor Isko Moreno kahapon, Miyerkules, 29 Sept 2021.

Winika ng alkalde naturang desisyon sa isinagawang 3rd Quarter Manila Disaster Risk Reduction and Management Council Meeting sa mismong Session Hall ng Maynila.

Idinagdag pa ni Moreno na tanging abiso na lamang ng go signal mula sa Inter-Agency Task Force (IATF) at Department of Health (DOH) ang kanilang hinihintay.

Ang Maynila ay nakapagtabi na diumano ng sapat na bakuna para sa mga menor-de-edad kaya’t sa oras na maglabas ng desisyon ang IATF ay agad na nilang sisimulan ang vaccination para sa minors.

Ayon pa kay Moreno, na nagdeklara na ng kanyang kandidatura pagka-presidente sa 2022 elections, may 39,000 na ang nakapagpatala online sa naturang age bracket.

Ang “online pre-registration” ng lokal na pamahalaan ng Maynila ay http://www.manilacovid19vaccine.ph.

(ai/mtvn)

Leave a Reply