Filing ng COC nina Pacquiao, Atienza mainit na sinalubong ng supporters

Filing ng COC nina Pacquiao, Atienza mainit na sinalubong ng supporters

Mainit na sinalubong ng kanilang supporters sina Sen. Manny Pacquiao at ka-tandem niyang si Cong. Lito Atienza ng Buhay Party-List sa pag-file nila ng kanilang certificate of candidacy ng pagka-presidente at vice-president sa darating na halalan nitong Biyernes, 01 Oct 2021, unang araw ng COC filing.

Nakaantabay din ang mga kapulisan sa may kahabaan ng Roxas Boulevard hanggang sa bahagi ng Vicente Sotto St,. o sa gilid ng PICC bilang pagtugon at bigay suporta sa seguridad ng mga kandidato.

Ang eight-time world boxing champ at si Atienza, na dati ring naging mayor ng Maynila, ay pinakauna sa lahat ng mga tatakbo ng pagka-presidente at bise presidente sa May 9, 2022 national elections.

Si Sen. Koko Pimentel, na dating kasamahan din ni Sen. Manny Pacquiao sa PDP-Laban bago ito agawin ng grupo ni Energy Sec. Alfonso Cusi, ay nagpakita rin ng kanyang suporta at sumama rin sa filing ng Pacquiao-Atienza tandem sa Comelec Tent malapit sa Sofitel Hotel sa Pasay City.

(Jhun Mabanag/B. Cuaresma/ai/mtvn)

Leave a Reply