Magka-live-in timbog sa droga sa Valenzuela

Magka-live-in timbog sa droga sa Valenzuela

Timbog sa mga operatiba ng Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit team sina Jefferson Borbe alyas “Asyong,” 36; at kanyang live-in partner na si Annei Imperial, 36, kapwa nakatira sa Block 7, Lot 7 Silver 8 Homes Llano Rd. Caloocan City sa ikinasang buy-bust operation sa Santolan Service Road, Brgy. Gen T. De Leon, Valenzuela city.
Nakuha sa kanila ang nasa 55 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) na P374,000, buy-bust/boodle money, cellphone, purse at isang motorsiklo.
(Aj Rabulan/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply