51 Bedista alumni question Duterte’s lawyering for corrupt gov’t,Pharmally officials on overpriced medical supplies

51 Bedista alumni question Duterte’s lawyering for corrupt gov’t,
Pharmally officials on overpriced medical supplies

By Ernie Reyes

MANILA – Various alumni of the San Beda University questioned
President Rodrigo Roa Duterte’s lawyering for government officials and
executives of Pharmally Pharmaceutical Corporation involved in
anomalous procurement of various overpriced medical supplies for COVID
response.

Drafting of the group’s “Open Letter” to Duterte was spearheaded by a certain Atty. Bok Lauron,
spokesperson of Bangon Bedista. It was signed by 51 Bedan Alumni.

Bangon Bedista is composed of alumni of San Beda University who were
former student leaders and members from different Bedan organizations.

Herewith is the exact letter sent to media organizations:

AN OPEN LETTER

from former Alumni Student Leaders of San Beda University to fellow
Bedan alumni, PRESIDENT RODRIGO DUTERTE

Mr. President, Bedista ka nga ba?

Mr. President, marami ang bumilib sa inyo nang sabihin ninyo na kapag
may nalaman po kayong opisyal ng inyong administrasyon na sangkot o
may “whiff of corruption”, tatanggalin po ninyo agad ito sa puwesto at
ipakukulong niyo pa.

Ngayong iniimbestigahan ng Senado ang P8.6 bilyong government
contracts ng Pharmally dahil sa ma-anomalyang pagbili ng overpriced na
face masks at face shields, may tinanggal po ba kayo? May kinasuhan na
po ba kayo?

Wala.

Bagkus, kayo pa po Mr. President ang nagtatanggol at tila nag-aabogado
sa Pharmally at sa mga government officials na sangkot sa kalokohang
ito.

Ang matindi po Mr. President, paulit-ulit pa po ninyong pinagbantaan
at ininsulto si Senador Gordon at ang iba pang senador na bumubusisi
sa anomalya. Ganito na po ang ipinatupad ninyong pagbabago? Ang
kasuhan ang naglantad ng katiwalian at pagtakpan ang mga gumagawa ng
kahayupan?

Bilang resbak, gusto pa po ninyong ipa-audit sa COA ang Red Cross
kahit na alam ninyo bilang abogado na walang jurisdiction ang COA sa
isang private entity gaya ng Red Cross na isang international
humanitarian organization.

Ilang ulit po nating narinig ang kasabihang when the President is
going after the investigator rather than the criminals, the President
IS the criminal?

Mr. President, nakakasuka po ang Pharmally ‘plundemic’ (plunder sa
panahon ng pandemic)!

Nakasusulasok ang alingasaw ng katiwalian!

Kung hindi pa rin po ninyo maamoy ang “whiff of corruption” dito,
magpa-swab test na po kayo, Mr. President.

Ipa-quarantine niyo na rin po ang mga kampon ninyong mga DDS at baka
po malala pa sa Delta variant ang vee-rus na matagal nang nananalaytay
sa kung anumang natira sa kaluluwa nila.

Mr. President, hindi lang po ito ang kasalanan ninyo sa bayan.

Mahaba na po ang listahan – ang pagpapalibing niyo kay Marcos sa
Libingan ng mga Bayani; ang walang pakundangang EJK sa mga mahihirap
at maliit na di umano’y mga drug pusher; ang pagbalewala sa panalo ng
sambayanan sa usapin ng West Philippine Sea; ang kaliwa’t kanang
nakawan sa kaban ng PhilHealth at sa iba’t-ibang sangay ng gobyerno;
ang napaka-palpak na pamamahala ng administrasyon mo sa Covid-19
pandemic at marami pang iba.

Number 52 po ang Pilipinas sa 53 bansang inilista sa Covid Resiliency
Ranking ng Bloomberg. Umaasa po ba kayong palakpakan pa po namin ang
kahihiyang iyan?

Mr. President, prangkahang tanong lang po. Saan po kayo kumukuha ng
kapal ng mukha at proud na proud pa po kayo sa mga kabulastugan ninyo?
Ipinagyabang po namin kayo dati bilang 1st Bedan president. Ginawaran
pa po kayo ng alumni association bilang Most Outstanding Bedan of the
Century kasi nga po proud kaming may kabaro kaming nakarating sa wakas
sa Malacañang.

Pero dati po yun. Wala po kaming singkapal ng apog ninyo para patuloy
kayong ipagyabang bilang lider ng bansa.

Graduate po kayo Mr. President ng San Beda pero hindi po kayo naging Bedista.

Nasaan ang pagmamahal mo sa Diyos, sa bayan at kapwa natin Pilipino na
itinuro sa atin sa Mendiola?

At may plano pa po kayong ipamana at ipagpatuloy ang kabuktutan ng
inyong administrasyon?!

Maawa naman po kayo sa bayan!

Ikinahihiya po namin kayo!

(ai/mtvn)

Leave a Reply