MIRON MERON MORON

MIRON MERON MORON

Sa kanyang mga huling tudling na inilabas ng People’s Journal, higit na marami ang nakalaan sa pagrepaso sa mga pelikula na kanyang napagbuntunan para magpalipas-oras– kabungguang bote, pinakabatang delegado sa 1970 Constitutional Convention, premyadong awtor-manunulat. Manuel F. Martinez.

He lived in a modest bungalow in Parañaque, his living space-cum-work station where a typewriter reposed upon an altar of sorts had seen him bang out think pieces and uptakes on the issues of the day. This soft-spoken ex-seminarian and boogie champion had left us for the Elysian fields years ago.

Sulat, sulat, pahinga, kain, luwas pa-Maynila, gala sa malls, at ‘yun nga, manonood ng pelikula bago magtungo sa aming tipanan sa maboteng usapan– at aabutin na kami na halos magdamag sa huntahan. Gano’n ang daloy ng panahon sa kanyang buhay.

Isa pang naging kasama sa trabaho sa pahayagan, naging kasalitan ko sa pagsusulat ng pangulong tudling, Fort Yerro, ang sumubsob na rin sa repaso sa mga palabas ng aninong gumagalaw– the old Tagalog term for movies that points up that these images in motion are mere shadows so bereft of substance but the silver iodide-lined screen has turned into altars where lesser mortals can worship idols, matinee or matino, mutiny, whatever.

Umaalimbukay ang inis at init sa pagrepaso ni Martinez. Aba’y nakalimot na kasi ang movie production companies sa tagubilin ni Alfred Hitchcock ukol sa tatlong pangunahing sangkap ng matinong pelikula– “script, script, script.”

Aaminin ko po. Parusa po sa akin ang umupo nang matagal– kaya ‘yung mga obra maestra daw ni Lav Diaz (ex-news deskman) na naglalaro sa lima hanggang walong oras, katumbas na po iyon ng torture. Idedemanda ko na siya ng human rights violation.

Film is a socio-cultural artifact. Always, it bears the imprint of the culture and trenchant society in which the film is rooted, deeply or so shallow.

Kung ganoon ang naging batayan ng katotong Martinez sa kanyang balik-panood sa kung anu-ano lang na pampalipas-oras, hindi na sana siya nilamutak ng kunsumisyon. At tahasang hindi kanais-nais ang naiiwang lamutak sa katawan ng ngatngat ng ngitngit.

Libre na po sa katulad kong senior ang panonood ng sine– may itinakdang araw para kami magpalipas-oras, makapaglibang o maglibing ng inip sa usad ng maghapon. Kahit na ano pang ganyak ng isa kong anak– matinik na scriptwriter at actress– na panoorin ang ganito o ganoong pelikula (kahit pa ang mga mismong isinulat niya), talaga pong ayaw ko na.

After every screening and the entire viewing, the hall is flooded by lights, your eyes are forced to crawl through litter here, there, and everywhere. The darkness hid such hideous eyesore– and that again bears the imprint of the culture on which viewers are firmly rooted.

Ayoko pong ngatngatin ng ngitngit at kunsumisyon. (ai/mtvn)

Leave a Reply