51 mula sa 81 gobernador sa buong PH, sumuporta kay Go sa pagka-VP sa 2022

51 mula sa 81 gobernador sa buong PH, sumuporta kay Go sa pagka-VP sa 2022

Ni Ernie Reyes

MANILA — Suportado ng isang grupo ng mga governors sa buong bansa ang
vice presidential bid ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go
kasabay ng pangakong ikakampanya ang senador para sa nalalapit na
eleksyon sa bansa.

Sa manifesto na inilabas ng grupo, umaabot na sa 51 mula sa 81
gobernador ang nagpahayag ng paniniwala na mayroon nang sapat na
karanasan at kaalaman sa public service si Go dahil sa tagal nitong
close aide ni dating Davao city mayor, Pangulong Rodrigo Duterte

Ayon sa grupo, kampante silang nauunawaan ni Senator Go ang mga issues
na hinaharap nila sa kanila-kanilang mga lalawigan.

Ipinaliwanag pa ng grupo na sa mahigit dalawang taon pa lamang ni Go
bilang senador ay na-institutionalized na niya ang Malasakit Center na
isang proyektong sinimulan nito at Pangulong Rodrigo Duterte.

Iginiit ng grupo na dahil sa pagsisikap ni Go, naging abot-kaya ang
healthcare sa pamamagitan ng one stop shop for medical at financial
assistance.

Sa ngayon, mayroon nang 141 na Malasakit Center na maaaring lapitan ng
mga mahihirap na kababayan sa iba’t ibang panig ng bansa

Una nang tiniyak ni Go na ipagpapatuloy niya ang mga magagandang
programa at reporma na nasimulan ng Duterte administration kabilang na
ang mga infrastructure project sa ilalim ng “Build, Build, Build.” (ai/mtvn)

Leave a Reply