PCR program para sa OFW genuine na serbisyo, hindi pamumulitika

PCR program para sa OFW genuine na serbisyo, hindi pamumulitika

Ni Arwen Pascua

MANILA — Nanindigan si Philippine National Police (PNP) Directorate for Operations, Maj. Gen. Rhodel Sermonia na para sa kapakanan ng overseas Filipino workers at mga pamilya nito ang Global Coalition of Lingkod Bayan Advocacy Support Groups and Force Multipliers na inilunsad noong Hunyo 25 ng Police Community Relations habang siya pa ang pinuno nito.

Ginawa ng heneral ang pahayag bilang tugon sa alegasyon ni Senator Ping Lacson na nagagamit ang PCR program sa pamumulitika.

Maging si dating PNP Chief at ngayon ay Senator Ronald dela Rosa ay idinepensa si Sermonia at iginiit na kahit siya pa ang hepe ng Pambansang Pulisya ay kaniya nang ipinag-utos ang pagbuo ng programa para sa mga OFW at sa pamilya nito kasunod ng pangamba ng mga migrante sa labas ng bansa na maapektuhan ng drug war ang kanilang pamilyang naiwan sa Pilipinas.

Sa panig naman ni Sermonia, iginiit nito na utos noon pa ng dating PNP chief sa kanya noong siya pa ang DPCR ang pagbuo ng nasabing programa na ngayon ay tinawag na Global Peace Community Relations habang ang Complaint and Referral Monitoring Desk ay ang Police Community Affairs and Development Group na siyang humahawak ng OFW concerns.

Paglilinaw pa ng heneral na ang koalisyon ay third party civilian partners ng PNP na nagboluntaryo para sa awareness advocacy activities bilang suporta sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

“First of all, it is called Global Advocacy not because OFWs based abroad, but to bridge assistance to the families of OFWs in the country who need help. And the assistance is to provide the OFW peace of mind that their families are protected in the country and the police are there to provide assistance if need be,” dagdag pa ni Sermonia.
(ai/mtvn)

Leave a Reply