Bagong pag-asa, bagong simula, babangon ang bagong District 2 ng Rizal — Fajardo

Bagong pag-asa, bagong simula, babangon ang bagong District 2 ng Rizal — Fajardo

Ito mismo ang mga binitawang salita ni dating OFW Party-list Representative Omar Fajardo matapos itong maghain ng kanyang kandidatura kamakalawa bilang kauna-unahang kinatawan ng bagong tatag na Second District ng Rizal.

“Para sa pag babago! Ang aking pangarap ay mapanatili ang Probinsya ng Rizal. Ang Metro Manila po ay part po ng Rizal subalit ginawang Metro Manila kaya’t unti-unting nauubos ang Probinsya ng Rizal,” wika ni Fajardo sa tumatakbo sa ilalim ng partido PDP-Laban.

“Ang bayan po ng Cainta, Taytay, Montalban, at San Mateo ay napakalapit sa Metro Manila kaya’t unti-unti, hinde po kalaunan ay sasama na ‘yan sa Metro Manila. Ang SOLUSYON lang po ay ang pag-sasabatas ng Metro Rizal upang hinde maubos ang Rizal,” wika pa ni Fajardo.

“Yan ang aking ipaglalaban at nais na maisabatas.”

Kasama ni Fajardo sa kanyang pag-file ng certificate of candidacy ang matagal na niyang katiwala at kanang-kamay na si Ram Buendia Base (litrato sa bandang itaas) na dati ring isang OFW sa Japan at Doha, Qatar. (ai/mtvn)

Leave a Reply