‘Bongbong Marcos Alert’ pinaiimbestigahan ng NTC

‘Bongbong Marcos Alert’ pinaiimbestigahan ng NTC

Ni Arwen Pascua

MANILA — Ipinag-utos ng National Telecommunications Commission (NTC) ang pag-iimbestiga sa emergency alerts na nagsulputan ilang oras at habang naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa pagka-pangulo si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. o BBM nitong Miyerkules, 06 Oct. 2021.

Inatasan ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba si Director Imelda Walcien ng Regulation Branch na agad magsumite ng report at rekomendasyon pagkatapos makumpleto ang kanilang imbestigasyon.

Nagkaroon ng emergency alerts sa mga mobile phones sa Sofitel Hotel sa Pasay City, hindi para sa lindol o bagyo, kundi para suportahan si Marcos. (ai/mtvn)

Leave a Reply