Mahalagang spare parts ng MRT-3 dumating na

Mahalagang spare parts ng MRT-3 dumating na

Dumating na sa MRT-3 depot ang ilan pang mahahalagang piyesa para sa rolling stocks, at ginagamit din sa overhauling ng mga bagon ng linya.
May mga bagong supply ng mechanical parts gaya ng wheel rim ring, door lever, gear case, at axle na dumating. Mayroon ding mga bagong contactors at relays na mga electrical parts at ginagamit sa pag-on at off ng electrical circuit ng tren.
Mahalaga ang nasabing mga kagamitan upang matiyak na nasa kondisyon ang mga tren at maayos at ligtas na makabiyahe sa main line.

(DOTr-MRT3/Kiara Lauren Ibanez/BENJAMIN CURESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply