Sec. Bello masayang sinalubong ng TUPAD beneficiaries sa Zamboanga Peninsula

Sec. Bello masayang sinalubong ng TUPAD beneficiaries sa Zamboanga Peninsula

MANILA — Masayang sinalubong ng Zamboanga Peninsula ang pagdating ng butihing Sec. Silvestre ” BEBOT ” Bello III ng Dept. of Labor and Employment (DOLE). Sa tulong ng local na pamahalaan ay matagumpay nitong naipamahagi ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantage/Displaced Workers (TUPAD) sa mga benificiaries ng bayan ng Butuan City, Pagadian City at Zamboanga City .

Sa pamamagitan ng tulong sa rehiyon ng lokal na pamahaaan ay inatasan din ang mga regional office ng DOLE na maipamahagi karagdagang cash aid sa mga dispaced workers upang makaahon sa kahirapan at lubhang naapektuhan ng kasalukuyang pananalasa ng Covid-19.

Tumanggap din ng mga bisekleta ang karamihan sa mga displaced workers bilang kasama sa programa ng Bikeccination Program, DOLE Integrated Livelihood Program, Balik-Pinas Balik-Hanapbuhay, Educational Assistance through Scholarship in Emergencies, Educational Livelihood Assistance Program Scholarship, OFW Dependent Scholarship Program, at Tulong Puso.

“Alagaan at gastusin niyo ang perang yan sa tamang paraan,” saad pa ng kalihim.

(BEJAMIN CUARESMA/ARWEN PASCUA/ALFREDO PATRIARCA/ai/mtvn)

Leave a Reply