Tindero ng karne patay sa pamamaril sa Malabon

Tindero ng karne patay sa pamamaril sa Malabon

PATAY ang isang tindero ng karne sa palengke na kinilalang si Michael
De Ocampo, 48, matapos barilin ng hindi pa nakilalang salarin sa loob
ng palengke sa Malabon City Public Market sa Barangay Tañong ng
naturang lungsod.
Base sa isinagawang imbestigasyon ng mga kapulisan
dalawa ang salarin sa insidente na nakasuot ng white t-shirt, black
pants, black bull cap with black facemask habang ang isa naman ay
nakasuot ng black jacket, red t-shirt, at blue jogging pants na
mabilis na nagsitakas sa hindi pa tukoy na direksyon.
(Aj Rabullan/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply