TUPAD CARAVAN SA AGUSAN AT ZAMBOANGA INABANGAN

TUPAD CARAVAN SA AGUSAN AT ZAMBOANGA INABANGAN

By Maharlika TV Team

MANILA — Mataas ang morale ng mga taga-Zamboanga del Sur nang mismong si Labor Secretary Silvestre Bello III ang nanguna sa pamamahagi ng TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers ) sa mga pili subalit karapatdapat na benepisyaryo nito.
Unang leg ng TUPAD Caravan ang Cabadbaran City sa Agusan del Sur kung saan 170 residente ng anim na barangay isinagawa ang payout.

Bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng P4,800 para may magamit na budget pambili ng pagkain at maliit na pagkakakitaan habang ang mga displaced overseas Filipino workers (OFWs) ay nabigyan ng P20,000 upang makapanimula ng maliit ng negosyo.

Ikalawang leg ay sa Butuan City na namahagi rin ng tulong pinansiyal at kagamitan para sa hanapbuhay and DOLE chief.

Sa dalawang lungsod ng Agusan del Sur, ang Cabadbaran at Butuan, ay nagkaroon ng pakikipag-usap si Bello sa kaniyang regional directors and officials hinggil sa maayos na trabaho sa kagawaran na aniya’ y kapu-puri ang performance.

Ang ikatlong leg ay sa Pagadian City sa Zamboanga del Sur na kaparehong aktibidad, ang TUPAD payout.

Nagkaroon din ng paglagda sa deed of donations at sinamantala rin ng kalihim na makaharap ang mga local government executives at iba’t ibang lider ng grupo sa nabanggit na mga lungsod nitong Oktubre 5.

Kinabukasan, Oktubre 6, unang tinungo ni Bello kasama ang kanyang delegasyon na kinabibilangan nina DOLE Undersecretaries Renato Ebarle at Benjo Santos M. Benavidez; OWWA Administrator Hans Leo J. Cacdac, Directors Karen P. Trayvilla at Ria S. Lano; ar Mika Czarina Cabalonga ang TUPAD payout at OWWA programs and Services Awarding Services sa Pagadian City habang hinarap sila ni Zamboanga del Sur Gov. Victor Uy.

Sa nasabing event, 24 OWWA scholars ang nabiyayaan ng cash aid na nagkakahalaga ng P10,000 para sa kanilang tuition; habang nakaharap din ni Bello ang mga benepisyaryo ng Special Program of the Employment of Students (SPES).

Kabilang sina Angelie Rikas, kumukuha ng nursing; at Mark, kumukuha ng Criminology na pawang benepisyaryo ng OWWA scholar at SPES ang labis na nagpapasalamat sa DOLE at OWWA,

Sa Zamboanga City, mainit na sinalubong ni Zamboanga City Administrator Raul Regondola si Bello at ang kaniyang delegasyon saka tumuloy sa Zamboanga City Polytechnic State University para sa TUPAD payout.

Mainit silang tinanggap ni Zamboanga City Mayor Beng Climaco at iba pang local government executives.

Ang huling TUPAD payout ay isinagawa sa Tetuan Central School SPED Center.

Sa kanyang mensahe sa mga benepisyaryo ng TUPAD, ang pamamahagi ng tulong pinansiyal ay direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang pera ng taumbayan ay dapat pakinabangan din mismo ng taumbayan lalo na ngayong pandemya.

“Utos po iyan ni Pangulong Rodrigo Duterte, pera po ninyo iyan, at kayo po ang gumamit,” bahagi ng talumpati ni Bello sa lahat ng seremonya ng TUPAD payout and Checks turnover sa Agusan del Sur at Zamboanga Caravan. (ai/mtvn)

Leave a Reply