LGBT group binigyan pansin ni Sec. Bebot Bello

LGBT group binigyan pansin ni Sec. Bebot Bello

Binigyan pansin ni Sec Bebot Bello ng DOLE ang mga miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual at Transgender (LGBT) sa probinsya ng Laguna, at Cavite para mabigyan lahat ng benipisyong hatid ng TUPAD. Sabi pa ni Sec. Bello na lahat ay bibigyan pati na ang mga miyembro ng LGBT. Ganito rin ang ginawa ng kalihim sa mga kapatid na Muslim na siya mismo ang nagtanong sa mga ito kung lahat ba sa kanila ay nabigyan ng TUPAD na galing sa DOLE.
Ang TUPAD ay Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers na nagbibigay ng pansamantalang trabaho sa mga taong nadiskaril ang hanapbuhay sa pandemya sa loon ng hindi lalagpas ng sampung araw at hindi rin hihigit sa 30 days.

(Val leonardo/Carmella Dionisio/Alfred Patriarca/ai/mtvn)

Leave a Reply