Anti-corruption, pro good governance FLAG-Maharlika party-list sabak sa 2022

Anti-corruption, pro good governance FLAG-Maharlika party-list sabak sa 2022

Si FLAG-Maharlika Sec-Gen Edwin Cordevilla habang pinapakita sa mga miyembro ng media ang COC ng kanyang partido

Kortesiya ng Abante News

MANILA — Kabilang ang Filipino League of Advocates for Good Governance-Maharlika (FLAG-Maharlika) sa tumatakbong party-list candidates sa darating na halalan sa May 2022 national at lokal elections.

Ang FLAG-Maharlika ay isang advocacy group na naglalayong labanan ang korapsiyon at hangad na makamit ang good go¬vernance sa lahat ng sangay ng gobyerno.

Ang filing ng COC ay pinangunahan ni FLAG-MAHARLIKA Secretary-General Edwin Cordevilla noong Huwebes (07 October 2021) sa Comelec sa Harbor Garden Tent ng Sofitel Hotel sa Pasay City.

Sinabi ni Cordevilla na magiging boses at kinatawan ng mamamayang Filipino ang FLAG-Maharlika at naniniwala na ang taumbayuan ang pinagmumulan ng kapangyarihan ng pamahalaan at public officials.

Bukod kay Cordevilla, ang iba pang nominado ng party-list ay sina businessman Martin Nicolo de los Angeles, dating child actress at commercial model at Entrepreneur Katrin Gonzales, veteran journalist Ismael Amigo at businessman Edwin Sarenas.

Bago pa man ang pandemya, nagsagawa na rin ng free legal assistance ang FLAG-Maharlika sa mga naapi at walang kakayanang Pinoy, nagkaroon din ng community service, naglunsad ng skills upgrade training para sa solo parents at medical missions. (ai/mtvn)

Leave a Reply